^

PSN Palaro

Altas humirit ng rubber match Chiefs sa Finals na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Martes

(MOA Arena, Pasay)

1 p.m. San Beda

vs Arellano U (Jrs)

3:45 p.m. San Beda

vs Perpetual Help (Srs)

MANILA, Philippines - Inilampaso ng Arellano University ang Mapua Institute of Technology, 92-80 upang masikwat ang unang silya sa finals ng NCAA Season 92 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagsanib-puwersa sina MVP candidate Jio Jalalon at Lervin Flores na parehong umukit ng 22 puntos para bitbitin ang Chiefs sa ikalawang finals appea­rance sapul nang sumabak ito sa liga noong 2009.

Humataw din si Kent Salado ng 13 gayundin si Donald Gumaru ng 10.

Tuluyang namaalam sa kontensiyon ang Mapua na humugot ng 20 puntos at 24 rebounds mula kay reigning MVP Allwell Oraeme, 15 galing kay Andrew Estrella at 14 buhat kay Carlos Isit.

Huling nakapasok ang Chiefs sa finals noong Season 90 ngunit tumupi ito sa San Beda College sa kanilang best-of-three championship showdown (65-74 sa Game 1 at 70-89 sa Game 2).

Kinailangan naman ng University of Perpetual Help System Dalta ng ma­lakas na puwersa sa hu­ling kanto para pigilan ang San Beda College, 87-83  upang makahirit ng do-or-die sa kanilang sari­ling semifinal series.

Tumipa si Gab Dagangon ng career-high 27 points kalakip ang limang rebounds at dalawang assists para tulungan ang Altas na basagin ang hawak na twice-to-beat ng Red Lions.

Maganda rin ang pagbabalik ni Bright Akhuetie na humakot ng 15 puntos, 11 boards, tatlong blocks at isang steal habang nag-ambag naman ng 15 si Daryl Singontiko para sa balanseng atake ng Altas.

Nagrehistro ang Altas ng 60.34 shooting percentage mula sa 35-of-58 clip - ang pinakamataas na porsiyento ng isang koponan sa taong ito - malayo sa 40.51 lamang ng Red Lions.

Mabilis rin ang galaw ng Perpetual Help na gumawa ng 22 fastbreak points.

Sa juniors, nasungkit ng Mapua ang unang silya sa finals matapos pasadsarin ang CSB-La Salle Greenhills sa bendisyon ng 88-81 panalo kung saan anim na manlalaro nito ang nagtala ng double digits.

Nakahirit naman ng do-or-die ang Arellano nang sorpresahin nito ang top seed at twice-to-beat San Beda, 89-84 sa pangu­nguna ni Lars Sunga na may 16 puntos.

Perpetual Help 87--Dagangon 27, Akhuetie 15, Singontiko 15, Hao 8, Ilagan 8, Coronel 6, Pido 6, Sadiwa 2.

San Beda 83-- Bolick 21, Soberano 16, Noah 14, Potts 12, Mocon 8, Adamos 6, Optana 2, Prebitero 2, Sara 2.

Quarterscores: 21-9, 41-36, 60-62, 87-83.

Arellano 92--Jalalon 22, Flores 22, Salado 13, Gumaru 10, Meca 5, Nicholls 5, Cadavis 4, Villoria 4, Holts 3, Enriquez 2, Aguilar 2.

MAPUA  80 – Oraeme 20, Estrella 15, Isit 14, Eriobu 11, Raflores 7, Menina 6, Orquina 4, Victoria 2.

Quarterscores: 27-18, 49-42, 69-57, 92-80.

 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with