National Inter-School Taekwondo Tournament lalarga sa Cebu
MANILA, Philippines – Humigit-kumulang sa 800 atleta ang sisipa sa 2016 SMART/MVP Sports Foundation National Inter-School Taekwondo Championships sa October 1-2 sa SM Seaside Mall sa Cebu City.
Ito ang unang pagkakataon na gagawin ang nasabing event sa labas ng Metro Manila na magbibigay sa mga provincial participants na makakuha ng magandang resulta.
Sinabi ni Organizing Committee Chairman Sung Chon Hong na ang two-day competition ay magtatampok sa mga novice at advance jins sa walong kategorya.
Ito ay ang senior male and female, Junior male and female, Cadet male and female at Grade school boys and girls.
Ang mga paaralang kasapi sa Philippine Taekwondo Association na makikipaglaban para sa karangalan ay ang Ateneo de Manila University, St. Paul Pasig, Diliman Preparatory School, Mary Hill School, Emilio Aguinaldo College, Montessori Integrated School, Philippine Science High School, School of Holy Spirit at Pamantasang Lungsod ng Valenzuela.
Inaasahan ding lalahok ang mga eskuwelehan mula sa Visayas at Mindanao sa torneong itinataguyod ng PLDT, Meralco, Philippine Sports Commission, Philippine Olympic Committee, MILO at SM Seaside Mall.
- Latest