102nd PSL National Series lalarga sa October 2 sa Diliman
MANILA, Philippines - Aarangkada ang ika-102 edisyon ng Philippine Swimming League (PSL) National Series sa Oktubre 2 sa Diliman Preparatory School swimming pool sa Quezon City.
Ang naturang event ay kapapalooban ng tatlong kategorya--ang Class A-B, Class C at Class Novice--kung saan layunin ng PSL na makapili ng mahuhusay na tankers na ipadadala sa ilang international tournaments na lalahukan ng asosasyon.
“Right now, we are preparing for our international competitions in the coming months. This event will serve as tryout to select swimmers who will be representing our country. We want to give these kids proper exposure to gauge their skills against their foreign counterparts. This is part of our grassroots development program,” pahayag ni PSL President Susan Papa.
May 10 dibisyon ang bawat kategorya - 6-under, 7-year, 8-year, 9-year, 10-year, 11-year, 12-year, 13-year, 14-year at 15-over para sa boys at girls.
Gagawaran ng medalya ang tatlong mangungunang tankers habang ang makakalikom ng pinakamataas na puntos sa bawat age band ang siyang bibigyan ng Most Outstanding Swimmer award.
Galing ang PSL sa matagumpay na kampanya sa ilang malalaking international competitions kabilang na ang Indian Ocean All-Star Challenge sa Perth, Australia at sa Tokyo Winter Swimming Championship sa Japan.
Humakot din ng medalya ang PSL sa Hong Kong Stingrays Swimming Championship, Singapore Invitational Swimming Meet at sa SSC Singapore Midget Meet.
- Latest