^

PSN Palaro

UAAP Women’s Basketball Lady Archers, Warriors nagsosyo sa No. 2

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro sa Miyerkules (Mall of Asia Arena)

8 a.m. ADMU vs UP (W)

10 a.m. UE vs DLSU (W)

 

MANILA, Philippines - Iginupo ng De La Salle University at University of the East  ang kani-kanilang karibal upang pagsosyohan ang ikalawang puwesto sa UAAP Season 79 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtulong sina Camille Claro at Jamie Roxas sa pagkolekta ng 26 puntos para dalhin ang Lady Archers sa 69-61 panalo laban sa Adamson University.

Walang manlalaro ng Lady Falcons ang nagsumite ng double digits kung saan nalimitahan sa tig-siyam na puntos sina Jamie Alcoy at Rose Rosario.

Binalian naman ng pakpak ng Lady Warriors ang Ateneo de Manila University, 60-50 sa likod ng impresibong laro ni Love Sto. Domingo na kumamada ng 18 puntos at siyam na rebounds.

Nagdagdag naman si Eunique Chan ng 12 puntos at anim na boards.

Nagrehistro sina Hazelle Yam at Jollina Go ng tig-13 puntos para sa Lady Eagles na naglaro nang wala si head coach John Flores na pinatawan ng suspensiyon.

Parehong sumulong ang Lady Archers at Lady Warriors sa 4-1 baraha habang nangunguna pa rin ang defending champion National University na may malinis  na 4-0 marka.

Bagsak naman ang Adamson at Ateneo sa magkatulad na 2-3 rekord.

Magpapatuloy ang aksiyon sa Miyerkules sa parehong venue kung saan haharapin ng Ateneo ang University of the Philippines sa alas-8 ng umaga habang maghaharap naman ang La Salle at UE sa alas-10.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with