^

PSN Palaro

Diaz: Gagawin ko ang lahat sa 2020 Tokyo Olympiad

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa kabila ng kanyang tinatamasang katanyagan at suwerte, iginiit ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz na mananatili siyang weightlifter at top gold medal prospect para sa 2020 Olympiad.

“Hindi natin masasabi kung ano’ng mangyayari in the future pero gusto ko talagang maglaro sa Tokyo 2020 so committed naman ako doon, gagawin ko ang lahat,” wika ni Diaz kahapon.

Tinanggap ng 25-anyos na si Diaz ang isang bagong house and lot mula sa 8990 Holdings-Deca Homes bilang bahagi ng kanyang insentibo sa pag-angkin sa silver medal sa nakaraang 2016 Rio Olympics.

Bago ito ay nakatanggap muna si Diaz ng P5-million mula sa RA 10699, P2 million kay President Duterte, P500,000 sa Zamboanga City at iba pang cash bonuses buhat sa mga lawmakers.

Nabigyan din siya ng scholarship grant, equipment, libreng airline tickets at sports apparel mula sa ilang private companies.

Lumabas din si Diaz sa ilang TV programs.

“Priority ko talaga ang trai­ning,” sagot ni Diaz.

Binigyan si Diaz ng two-month rest ng Philippine Weightlifting Association (PWA) ngunit sinabi niyang hindi niya kayang malayo sa weightlifting at sa gym.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with