^

PSN Palaro

Lady Maroons biyaheng semis na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Napigilan ng University of the Philippines ang NCAA champion San Sebastian College, 25-17, 23-25, 25-5, 25-18, para masikwat ang ikatlong tiket sa semifinals ng Shakey’s V-League Season 13-Collegiate Conference kagabi sa Philsports Arena sa Pasig City.

Umarangkada para sa Lady Maroons si team captain Katherine Bersola na tumipa ng 20 puntos kabilang ang 10 attacks at walong blocks habang sapat na suporta ang nakuha nito kina Nicole Tiamzon, Diana Carlos at Marian Buitre.

Nagsumite si Tiamzon ng 13, Carlos ng 11 at Buitre ng 10 gayundin si Isa Molde ng walong puntos para sa balanseng ratsada ng UP.

“We controlled the net and our floor defense was there,” wika ni UP coach Jerry Yee.

Bumandera para sa Lady Stags sina NCAA MVP Grethcel Soltones at Denice Lim na may tig-15 puntos habang nagdagdag ng 10 puntos si Joyce Sta. Rita.

Makakasama ng Lady Maroons sa semis ang nagdedepensang National University (4-1) at Far Eastern University (3-1).

Kung mananalo ang Ateneo sa FEU, awtomatikong makukuha ng Lady Eagles ang huling tiket sa Final Four.

Subalit kung matatalo ang Lady Eagles, maglalaban ang Ateneo at San Sebastian sa playoff para sa ikaapat na semis berth sa Sabado na lalaruin sa The Arena sa San Juan City.

Sa Spikers’ Turf Season Two-Collegiate Conference, nanaig ang De La Salle University at University of Santo Tomas sa kani-kanilang karibal upang masungkit ang huling dalawang silya sa semis.

Tinalo ng La Salle ang FEU, 20-25, 25-23, 26-24, 21-25, 15-8, habang namayani ang UST sa Emilio Aguinaldo College, 25-20, 25-12, 29-27.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with