^

PSN Palaro

Lady Bulldogs humataw ng panalo sa quarters

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mainit na sinimulan ng nagdedepensang National University ang kampanya sa quarterfinals matapos patahimikin ang University of Santo Tomas, 25-21, 29-27, 25-13, kahapon sa Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Hindi hinayaan ni Jorelle Singh na maulit ang kanilang tinamong kabiguan sa Ateneo nang humataw ng 14 puntos mula sa 13 attacks at isang blocks, habang umariba rin si 6-foot-5 Jaja Santiago na nakalikom ng 15 puntos buhat sa 11 attacks at apat na blocks.

“Nakatulong ‘yung nangyari sa amin laban sa Ateneo dahil mas naging hungry kami para makabawi. Iyon ang naging motivation namin. Ipinakita lang namin sa laro ngayon kung ano ‘yung kaya naming gawin,” wika ni Singh patungkol sa Ateneo na siyang nagbigay sa kanila ng unang kabiguan noong Sabado.

Nag-ambag naman si Aiko Urdas ng 11 puntos, samantalang gumawa ng 27 excellent sets si Jasmine Nabor kalakip ang tatlong puntos.

Sa kabila ng panalo, hindi pa rin kuntento si assis­tant coach Edjet Mabbayad sa ipinamalas ng Lady Bull­dogs dahil alam nitong may ilalabas pang bangis ang kanyang tropa.

“Iyong floor defense kailangan pang naming ayusin pati ‘yung service receive namin. Iyon ang priority naman para makakuha kami ng panalo. We’re still trying to find out kung ano ang tamang chemistry namin dahil marami pa rin kaming lapses,” ani Mabbayad na pansamantalang humalili kay head coach Roger Gorayeb na nasa bakasyon.

Sa ikalawang laro, inangkin ng Ateneo ang huling tiket sa quarterfinals nang gibain ang Technological Institute of the Philippines, 16-25, 25-16, 25-20, 25-16.

Sa Spikers’ Turf, nagtulong sina Greg Dolor at Paul Bugaoan sa pagkopo ng 34 puntos upang hatakin ang Far Eastern University sa 25-23, 25-15, 20-25, 25-20 panalo laban sa University of Perpetual Help para sa tsansang makahirit ng tiket sa semifinals.

Nanaig din ang University of the Philippines kontra sa San Beda College, 25-23, 25-19, 25-16, para umangat sa 3-1 sa Group B.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with