^

PSN Palaro

Lariba mapapalaban sa Puerto Rican

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Mapapalaban agad si Ian Lariba sa oras na magsimula ang table tennis competition ng 2016 Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil.

Unang haharapin ng UAAP multi-gold medalist at pambato ng De La Salle University si Adriana Diaz ng Puerto Rico sa women’s singles.

Magsisimula ang preliminary round sa Agosto 6, isang araw matapos pangunahan ni Lariba ang pambansang koponan na magmamartsa sa Ope­ning Ceremony dahil ito ang magsisilbing flag bearer ng delegasyon.

Bagito ang makaka­harap ni Lariba dahil 15-anyos lamang si Diaz na kasalukuyang nasa ika-80 sa world ranking. Si Lariba naman ay nasa ika-297.

Hindi na bago si Diaz sa pandinig ni Lariba.

Nakaginto si Diaz sa 2014 Pan  American Sports Festival at kasalukuyang ikasiyam sa Top 20 juniors ranking para sa mga manlalarong may edad na 18-anyos pababa.

Pag-aaralan ni La­riba ang estilo ng laro ni Diaz para magamay ang galaw nito.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with