Generals nakatikim na ng panalo sa Stags dagangon, Akhuetie bumida sa Altas
Laro sa Lunes
(The Arena)
11am AU vs SBC (Jrs)
12:45pm Perpetual
vs LPU (Jrs)
2:30 pm SSC-R vs EAC (Jrs)
MANILA, Philippines - Nalusutan ng University of Perpetual Help System Dalta ang matikas na hamon ng Lyceum, 71-68, para makisalo sa ikalawang puwesto kahapon sa NCAA Season 92 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.
Bumuwelta sina Gab Dagangon at Bright Akhuetie na parehong pumitik ng double-double para pamunuan ang Altas na makuha ang ikalimang panalo sa pitong laro.
Bumira si Dagangon ng 16 puntos, 12 rebounds, dalawang assists, dalawang blocks at isang steal habang nagtala si Akhuetie ng 13 puntos at 13 boards kasama ang limang assists, tatlong blocks at isang steal.
“Sinabi ko lang sa mga bata na huwag silang bumitiw lalo na sa depensa. And I’m happy na sumunod sila sa game plan. Hindi sila nawalan ng puso,” turan ni Perpetual Help coach Gimwell Gican.
Tumulong din sina Kieth Pido at Prince Eze na may tig-10 puntos para sa Perpetual Help na tunay na dinomina ang shaded area tangan ang kabuuang 56 rebounds kumpara sa 37 lamang ng Lyceum.
Humataw pa ng 11 blocks ang Altas laban sa lima lamang ng Pirates.
Ang panalo ng Altas ang naging daan upang maipuwersa ang three-way tie sa No. 2 spot kasama ang nagdedepensang Colegio de San Juan de Letran at Mapua Institute of Technology na may parehong 5-2 marka sa ilalim ng nangungunang San Beda College na nagtataglay naman ng imakuladang 7-0 rekord.
Naputol ang three-game winning streak ng Lyceum na bumagsak sa 3-4 baraha.
Sa unang laro, tinuldukan ng Emilio Aguinaldo College ang five-game losing skid nito matapos ratratin ang San Sebastian College-Recoletos, 73-67, tungo sa 2-5 rekord.
Nanguna sa pagmartsa ng Generals si Cameroonian big man Hamadou Laminou na humakot ng 18 puntos, 16 rebounds at limang blocks.
Ikaanim na sunod na pagyuko ng Stags na nahulog sa 1-6 marka. (CCO)
EAC 73- Laminou 18, Morada 18, Onwubere 13, King 9, Corilla 5, Munsayac 4, Serrano 4, Neri 2, Diego 0.
San Sebastian 67- Calisaan 15, Ilagan 11, Bulanadi 7, Serajosef 7, Capobres 6, Mercado 6, Costelo 4, Fabian 4, Gayosa 3, Baetiong 2, Quipse 2, Johnson 0.
Quarterscores: 13-21; 30-38; 53-51; 73-67.
Perpetual Help 71- Dagangon 16, Akhuetie 13, Eze 10, Pido 10, Coronel 7, Sadiwa 6, Oliveria 4, Singontiko 3, Hao 2, Dizon 0,,
LPU 68- Nzeusseu 18, Ayaay 15, Alban 8, Alanes 7, Caduyac 7, Marata 3, Serafico 2, Malabanan 0, Rubite 0
Quarterscores: 19-21; 36-40; 54-55; 71-68.
- Latest