^

PSN Palaro

Bagitong jins sumipa ng 24 ginto sa Korea

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Humakot ang mga bagitong jins ng 24 ginto, 16 pilak at 19 tansong medalya sa prestihiyosong 10th World Taekwondo Culture Expo Championships na ginanap sa Jeonju City, Jeollabuk sa Mugun-gun, South Korea.

Nakalikom ang Pinoy squad ng 13 ginto sa sparring (kyorugi) at 11 ginto sa poomsae kung saan nanguna ang pambato ng Capiz na humakot ng kabuuang walong ginto (tig-apat sa sparring at poomsae), dalawang pilak at anim na tanso.

Nakasiguro ng dala­wang ginto (tig-isa sa sparring at poomsae) sina Capiz jins Sean Falsis, Mikee Rose Regala at Allyah Dominique Eusalan; Olongapo bets Dominic Navarro at Marc Jullian Navat; at National Capital Region representative Joaquin Antonio Marte.

Umani rin ng ginto sina Lance Oliver Ortillo (ginto sa poomsae at tanso sa sparring), Godwin Jacob Calupitan (ginto sa sparring at tanso sa poomsae), Cesar Oliver Basilio (ginto sa poomsae at tanso sa sparring), Algenne Marhee Amiruddin (ginto sa sparring at pilak sa poomsae), Zoi Buslig (ginto sa sparring at pilak sa poomsae), Dylan Reyes (ginto sa sparring at pilak sa poomsae), Micah Angelica Torres (ginto sa poomsae at pilak sa sparring), Xenicah Manangbao (ginto sa sparring at tanso sa poomsae), Liezel Haboy (ginto sa poomsae at pilak sa sparring), Ma. Katerina Mercurio (ginto sa sparring at tanso sa poomsae), Zachary Aguirre (ginto sa poomsae at tanso sa sparring) at Japeth Romi Anga-Angan (ginto sa sparring at pilak sa poomsae).

Mahigit 2,000 jins mula sa 36 bansa ang lumahok sa naturang torneong may basbas ng World Taekwondo Federation.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with