Garcia hinirang na Accel-PBA Press Corps Player of the Week
MANILA, Philippines - Ipinakita ni RR Garcia na hindi nagkamali ang Star sa paghugot sa kanya sa conference break.
Umiskor ang 5-foot-10 na si Garcia ng walo sa kanyang 26 points sa extra period para igiya ang Hotshots sa 105-102 overtime win kontra Globalport Batang Pier sa 2016 PBA Governors Cup noong Linggo.
Sa naturang unang panalo ng Star ay nagsalpak si Garcia ng 11-of-13 fieldgoal shooting kasama ang 3-of-3 clip sa three-point line.
“I think RR pretty much adjusted pretty well,” wika ni rookie coach Jason Webb sa dating kamador ng Far Eastern University Tamaraws sa UAAP.
Hinirang si Garcia blang Accel-PBA Press Corps Player of the Week.
Tinalo ni Garcia sina Blackwater center John Paul Erram, Rain or Shine guard Gabe Norwood at Chris Banchero ng Alaska.
- Latest