^

PSN Palaro

Blatche handa nang mag-ensayo sa Gilas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Halos ilang linggong nag­hintay ang Samahang Basketbol ng Pilipinas at si head coach Tab Baldwin pa­ra sa pagdating ni Andray Blatche.

Ngayon ay maaari na silang matulog ng mahim­bing.

Dumating sa bansa ang naturalized center noong Biyernes ng gabi at kaagad nagtungo sa ensayo ng Gilas Pilipinas sa Kerry’s Gym sa The Fort kahapon.

Hindi siya pinasama ni Baldwin sa ginagawang pag­sasanay ng Nationals.

Sa kanyang nakita ay kum­binsido si Baldwin na nasa tamang kondisyon at pangangatawan ang 6-foot-11 na si Blatche kum­para nang maglaro siya no­ong 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha, China.

“I’m happy to welcome Dray back to the team. It’s time to work as a team and find the greatness within this bunch,” sabi ni Baldwin kay Blatche, isang NBA ve­teran na naglaro para sa Washington Wizards at Brooklyn Nets.

Si Blatche ang muling aasahan ng Gilas Pilipinas sa pagsabak sa bigating 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament na naka­takda sa Hulyo 5-10 sa Mall of Asia Arena Arena sa Pa­say City.

Para makuha ang nag-iisang tiket para sa Olympic Games sa Rio de Janeiro, Brazil sa Agosto ay kaila­ngang magkampeon ang Na­tionals sa Manila OQT na sasalihan din ng France, New Zealand, Turkey, Ca­nada at Senegal.

Samantala, pinamunuan naman ni Los Angeles Lakers Fil-Am guard Jordan Clarkson ang paglu­lunsad sa bagong unipormeng isusuot ng Nationals sa Manila OQT.

“Just being here to support, I want to be with the team,” wika ng 6’4 na si Clarkson.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with