^

PSN Palaro

Beermen tiwalang maisasalba ni Reid vs Elasto Painters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa nakaraan nilang best-of-seven cham­pionship series ng Alaska ay bumangon ang San Miguel mula sa 0-3 pakakalubog para angkinin ang sumunod na apat na laro patungo sa pagkopo sa korona ng 2016 PBA Philippine Cup.

Ito rin ang sitwasyon ng Beermen sa kanilang best-of-five semifinals showdown ng Rain or Sine Elasto Painters.

Ang pagkakaiba lamang ay dalawang panalo pa ang kailangan ng San Miguel para tuluyang sibakin ang Rain or Shine at sikwatin ang kanilang ikalawang sunod na Finals appearance ngayong taon.

Nakaiwas ang Beermen sa tangkang sweep ng Elasto Painters matapos agawin ang 104-98 panalo sa Game  Three noong Huwebes sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sa nasabing venue, natakasan ng San Miguel ang hangad na pagwalis sa kanila ng Alaska sa nakaraang PBA Philippine Cup Finals.

“I hope na ito ‘yung magiging rallying point for them. When we’re 0-3, this was the venue,” sabi ni coach Leo Austria. “I hope na mag-continue, but we’re looking at it one game at a time.”

Hangad maitabla ang serye, lalabanan ng Beermen ang Elasto Painters ngayong alas-5 ng hapon sa Game Four ng kanilang semifinals duel para sa 2016 PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nauna nang inangkin ng Rain or Shine ang Game One, 98-94  at Game Two, 98-96 na siyang naging pinakahuling laro ni import Tyler Wilkerson para sa San Miguel.

Sa pagpapauwi kay Wil­kerson ay ipaparadang muli ng Beermen si Arizona Reid, tumulong sa kanila para makuha ang titulo ng 2015 PBA Governor’s Cup.

“We’re gonna put everything in on Sunday. We’re going to get AZ in here and he knows how we play,” sabi ni San Miguel point guard Chris Ross.

Bagama’t natakasan sa Game Three ay kumpiyansa pa rin si Elasto Painters’ mentor Yeng Guiao na sila ang tatapos sa serye.

“My feeling is we’ll get there only in a longer while. We still feel positive of our chances. Parang may twice-to-beat advantage pa rin kami,” sabi ni Guiao.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with