^

PSN Palaro

San Miguel lalapit sa outright semis vs Mahindra

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang pagsosolo sa li­de­rato at pagnanais na makalapit sa outright semifinals ticket ang puntirya ng nagdedepensang San Miguel, habang hangad ng Globalport na mapalakas ang tsansa para sa isang quarterfinals seat.

Sasagupain ng Beermen ang Mahindra Enforcers ngayong alas-7 ng gabi makaraan ang laro ng Batang Pier at NLEX Road Warriors sa alas-4:15 ng hapon sa 2015 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Puntirya ng San Miguel na magtapos sa Top Two para makamit ang isang outright ticket sa Final Four.

Umiskor ang Beermen sa 101-90 panalo laban sa Star Hotshots noong nakaraang Linggo para sa kanilang ikaanim na panalo para makasosyo ang Alaska Aces sa liderato sa magkatulad nilang 6-1 baraha.

Sina back-to-back MVP June Mar Fajardo, one-time PBA MVP Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter at Chris Ross ang muling aasahan ng San Miguel para sa target na pang-pitong panalo.

Hangad naman ng Mahindra (2-5) ang ikalawang sunod na ratsada makaraang lusutan ang Meralco, 86-83, para wakasan ang kanilang apat na sunod na kamalasan noong nakaraang Sabado.

Samantala, asam ng Glo­balport (4-3) na madup­lika ang kanilang 120-105 paggiba sa Blackwater sa pagharap sa NLEX (4-3).

“Ang target namin is one  game at a time,” wika ni Batang Pier mentor Pido Jarencio.

vuukle comment

ACIRC

ALASKA ACES

ALEX CABAGNOT

ANG

ARWIND SANTOS

BATANG PIER

BEERMEN

CHRIS ROSS

FINAL FOUR

JUNE MAR FAJARDO

SAN MIGUEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with