^

PSN Palaro

Lady Eagles, Bulldogs agawan sa Shakey’s V-League crown sudden death

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena, San Juan City)

12:45 p.m.  Ateneo vs NU

MANILA, Philippines – Matinding bakbakan ang matutunghayan nga­yon sa pagitan ng Ateneo Lady Eagles at National University Lady Bulldogs dahil paglalabanan ng dalawang tinitingalang paaralan sa women’s volleyball ang kampeonato sa Shakey’s V-League Season 12 Collegiate Conference sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-12:45 ng hapon magsisimula ang inaasahang klasikong tagisan sa dalawang kopo­nan na dinomina ang liga mula sa simula ng kompe­tisyon.

Nauwi sa ikaw-o-ako ang best-of-three cham­pionship series sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s at handog ng PLDT Home Ultera nang angkinin ng Lady Bulldogs ang 25-22, 25-17, 25-17  panalo noong Set­yembre 27.

Bago ito ay naunang ku­minang ang Ateneo no­ong Setyembre 20 sa 25-19, 25-13, 25-21 panalo.

Nakikita ng mga coa­ches ng magkabilang ko­po­nan na hindi sa pamamagitan ng straight sets mauuwi ang labanan dahil ibubuhos na ng lahat ng manlalaro ang kanilang angking galing para ma­kuha ang panalo at kilalaning pinakamahusay sa edisyong ito.

“Gusto kong mag-champion and the players, they are determined to win this game and they will give their best,” wika ni NU coach Roger Gorayeb.

“We will bounce back. Willing na willing ang lahat na bumangon,” ani  Ateneo assistant coach Parley Tupaz na siyang humahalili sa puwesto ni Thai coach Tai Bundit na nasa isang seminar sa Thailand.

Si Alyssa Valdez ang tiyak na sisipatin ang laro para sa Ateneo matapos malimitahan lamang sa siyam na puntos, malayo sa pinakawalang 20 sa naipanalong Game One.

“Okay naman siya. Pero kailangan din na magkaroon kami ng receive at depensa. Dapat na mapunta rin kay Gizelle (Tan) ang bola para makapag-set siya ng mabuti,” dagdag ni Tupaz.

Maging si Valdez ay naniniwalang makakabawi sila pero dapat ay lahat sila ay naka-focus sa mahalagang laban.

Sa kabilang banda, bu­kod sa pagdodomina ng mga higanteng sina 6’2 Dindin Manabat at 6’4  Jaja Santiago, hanap ni Go­rayeb ang mapigil uli si Valdez.

“Nasa kanya ang crowd kaya kailangang ma-limit siya dahil ang average niya ay nasa 20 points. Ma­halaga ang ipakikita ng center blocker namin at da­pat na makuha ng libero ko ang mga palo ni Alyssa,” pahabol ni Gorayeb.

Kung ang Ateneo ang magwagi, ito na ang ikatlong Collegiate title ng Lady Eagles matapos ang back-to-back championships sa Season 8 at 9 habang pangalawang titulo ang makukuha ng Lady Bulldogs matapos mag-reyna sa Season 10.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

COLLEGIATE CONFERENCE

DINDIN MANABAT

GAME ONE

HOME ULTERA

LADY BULLDOGS

SAN JUAN CITY

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with