^

PSN Palaro

Puwesto sa Finals dadagitin ng Ateneo

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Filoil Flying V Arena)

8 a.m.  ADMU vs NU (M)

10 a.m.  UST vs AdU (M)

2 p.m.  ADMU vs UP (W)

4 p.m.  NU vs DLSU (W)

 

MANILA, Philippines - Unang puwesto sa Final Four at ang mahalagang twice-to-beat advantage ang nakaumang ngayon para sa nagdedepensang kampeon Ateneo Lady Eagles sa pagharap sa UP Lady Maroons sa pagpapatuloy ng 77th UAAP women’s volleyball sa The Arena sa San Juan City.

Ika-10 sunod na panalo ang maitatala ng Lady Eagles kung manalo sa Lady Maroons sa kanilang pagtutuos sa ganap na alas-2 ng hapon at sapat ito para makuha rin ang isa sa dalawang mahalagang bentahe kung magkakaroon ng Final Four.

May posibilidad na walang maganap na Final Four kung wawalisin ng Ateneo ang 14-game elims.

Dumaan sa butas ng karayom ang Ateneo bago naigupo ang hamon ng UP, 25-21,17-25, 25-14, 22-25,15-10, sa unang pagtutuos.

Wala na sa UP ang spiker na si Kathy Bersola dahil sa injury ngunit asahan na gagawin ng Lady Maroons ang lahat ng makakaya para palakasin ang paghahabol ng upuan sa susunod na round.

May 4-5 baraha ang Lady Maroons at kasalo sa apat na iba pang koponan na magkakasalo sa ikatlo hanggang ikaanim na puwesto.

Pagbabalakan ng La Salle Lady Archers ang maiusad ang isang paa sa semifinals at ang huling insentibo sa pagbangga sa National University Lady Bulldogs sa tampok na laro dakong alas-4 ng hapon.

Winalis ng Lady Archers ang Lady Bulldogs sa naunang pagtutuos, 25-22, 25-12, 25-15, at kung maulit nila ito ay maisusulong nila ang pumapangalawang karta na 8-1 record.

vuukle comment

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

FILOIL FLYING V ARENA

FINAL FOUR

KATHY BERSOLA

LA SALLE LADY ARCHERS

LADY

LADY ARCHERS

LADY BULLDOGS

LADY MAROONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with