LBC Ronda Mindanao elims ililipat sa Visayas
MANILA, Philippines – Dahilan sa isyu sa kaligtasan ay hindi na isasagawa ng Ronda Pilipinas 2015, inihahandog ng LBC, ang kanilang two-leg Mindanao qualifying leg.
Ngunit sinabi ng Ronda Pilipinas na dadagdagan na lamang nila ang mga yugto sa Visayas leg.
“We’re sorry to announce that we’re foregoing the Mindanao qualifiers for fear of the safety of the whole Ronda delegation including our cyclists,” wika ni Ronda Pilipinas executive project director Moe Chulani, nagpaabot din ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima ng massacre.
Orihinal na magdaraos ang Ronda ng qualifying leg sa Mindanao, ang una ay sa Feb. 8 sa Butuan City patungong Cagayan de Oro at ang ikalawa ay sa Tubod, Lanao del Norte papunta sa Dipolog.
Magdadagdag ang Ronda ng mga stages sa Visayas na posible ay sa Negros Oriental at Negros Occidental.
“But we remain firm with our goal of finding talents in the provinces so we will bring the Mindanao riders to the Visayas where we will add a qualifying leg that will replace the Mindanao stages,” wika pa ni Chulani.
Suportado ng major sponsor MVP Sports Foundation at ikinukunsiderang pinakamalaki at pinakamayamang karera sa Asia, hangad ng Ronda na mabigyan ang mga local cyclists ng tsansang manalo ng malaking premyo bukod pa ang pagkakasama sa national team.
- Latest