^

PSN Palaro

Ateneo pakay ang playoff

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Playoff sa Final Four ang makakamit ng nagde­depensang kampeon Ateneo Lady Eagles kung mapalawig pa ang pagpapanalo sa 77th UAAP women’s volleyball ngayon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

May 8-0 baraha ang Lady Eagles at kung magwawagi uli sila sa Adamson Lady Falcons ay lalayo rin sila sa karibal na La Salle Lady Archers na nasa ikalawang puwesto bitbit ang 8-1 karta.

Ang aksyon ay magsisimula dakong alas-4 ng hapon at papasok ang Lady Eagles mula sa di magandang 25-18, 25-21, 25-22, panalo laban sa National University Lady Bulldogs noong Linggo.

“Mahirap kalaban ang Adamson dahil talagang pinahihirapan nila ang lahat ng mga nakaharap. I just hope na na-correct na namin ang mga errors na nangyari sa last game,” wika ni Ateneo team captain Alyssa Valdez.

Kasalo ng Adamson ang UST Tigresses sa 3-5 karta para malagay sa ikaanim at pitong puwesto.

Puwersado ang Lady Falcons na manalo dahil tatlong sunod na talo ang nangyari sa koponan para masayang ang 3-2 pa­nimula.

Ang UST ay makakaharap ang NU sa unang laro sa ganap na alas-2 ng hapon at balak ring palawigin ang pagpapanalo sa tatlong sunod upang manati­ling buhay ang pag­ha­hangad na makaalpas sa double-round elimination.

Asahan ang malakas na pagtahol ng Lady Bulldogs na maghahangad na bumangon matapos ang kabiguan sa Ateneo na pumutok sa dalawang dikit na panalo.

Nananatili sa ikatlong puwesto ang NU sa 4-4 baraha ngunit kapag sila ay natalo, makakatabla nila sa upuan ang UST bukod sa pahingang FEU Lady Tamaraws at UP Lady Maroons.

Ang 6’4 na si Jaja Santiago ang siyang mangu­nguna sa NU habang ang pagtutulungan nina Carmela Tunay, Pamela Lastimosa, Marivic Meneses at rookie EJ Laure ang huhugutan ng lakas ng UST. (AT)

vuukle comment

ADAMSON

ADAMSON LADY FALCONS

ALYSSA VALDEZ

ATENEO

ATENEO LADY EAGLES

CARMELA TUNAY

FINAL FOUR

LADY

LADY EAGLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with