^

PSN Palaro

No. 4 ticket pag-aagawan ng Warriors at Bulldogs

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Smart Araneta

Coliseum)

4 p.m. UE vs NU

(playoff para sa No. 4)

 

MANILA, Philippines -  Kung hindi kakanselahin bunga ng pananalasa ng bagyong ‘Mario’ ay pag-aagawan ng Bulldogs at ng Red Warriors ang No. 4 ticket sa Final Four ng 77th UAAP men’s basketball tour­nament.

Nakatakdang magtuos ang National University at ang University of the East sa kanilang ‘do-or-die’ match ngayong alas-4 ng ha­pon sa Smart Araneta Coliseum.

Kapwa nagtapos na may magkatulad na 9-5 re­cord ang Bulldogs at ang Red Warriors kagaya ng nagdedepensang La Salle Green Archers at Far Eastern University Tamaraws na may magkapare­hong 10-4 baraha sa ilalim ng No. 1 na Ateneo Blue Eagles (11-3).

Paglalabanan ng La Salle at ng FEU ang No. 2 spot bukas sa Big Dome.

Ang No. 1 at No. 2 teams ang hahawak ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 4 at No. 3, ayon sa pagkakasunod, sa Final Four.

Ang mananalo sa NU at UE ang uupong No. 4 at lalabanan ang Ateneo sa semifinals.

Habang isinusulat ito ay walang pang desisyon ang UAAP kung kakanse­lahin ang laro ngayong ha­pon.

Nabigo ang Bulldogs na masikwat ang No. 4 berth matapos matalo sa Green Archers, 56-68, noong na­ka­raang Sabado.

Tinalo naman ng Red Warriors ang sibak nang Uni­versity of Santo Tomas Tigers, 78-73, noong na­karaang Martes para sik­watin ang playoff.

“We have to play tough defense against NU,” sabi ni UE head coach Derrick Pumaren. They’re very patient and really move the ball well so we really got to play for 24 seconds defensively with them.”

Kasalukuyang sumasakay ang Red Warriors sa isang five-game winning streak.

Sina guard Roi Su­mang, Bong Galanza at Sier­ra Leone import Charles Mammie ang mu­ling mangunguna para sa Recto-based cagers.

Kumpiyansa naman si NU mentor Eric Altamirano na ibibigay ng kanyang ko­ponan ang lahat para ma­­kamit ang No. 4 seat at makalaban ang Ateneo.

 

vuukle comment

ANG NO

ATENEO

ATENEO BLUE EAGLES

BIG DOME

BONG GALANZA

CHARLES MAMMIE

FINAL FOUR

RED WARRIORS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with