^

PSN Palaro

Para mapag-aralan ang estilo NG mga kalaban Gilas nagpadala ng scouts

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea – Para lu­ma­kas ang laban ay nagpadala na ng mga scouts ang Gilas Pilipinas para pag-aralan ang mga makakalaban ng Pam­ban­sang koponan sa se­cond round ng Asian Games basketball competitions na magsisimula sa Sept. 23 sa Samsan World Gymnasium.

Inaasahang dumating kagabi rito sina assistant coaches Jong Uichico, Josh Reyes at Tab Baldwin sakay ng Philippine Airlines kahapon ngunit ‘di pa nakukumpirma ang kanilang pagdating dito hangggang sa sinusulat ang balitang ito bunga ng bagyong Mario na sumalanta sa Manila kahapon.

Ang Gilas players at si head coach Chot Reyes ay inaasahang mamayang gabi.

Pasok na sa second round ang Gilas sa 16-team competitions base sa format na ang top 8 teams ng Asya ay naka-bye sa first round at sasamahan sa second round ng mga qualifiers mula sa first round.

Ang Philippines ay nasa Group E kasama ang Iran; ang China at Chinese Taipei ay nasa Group C; ang Korea at Jordan ay na­sa Group D habang ang Japan at Qatar ay nasa Group F.

Magkakasama sa Group A ang Mongolia, Hong Kong, Kuwait at Maldives at nasa Group B ang Saudi Arabia, Kazakhstan, Palestine at India sa first roung qualifying.

Ayon sa Asian Games format, ang mangunguna sa Group A ay mapupunta sa Group C at ang papa­ngalawa ay mapupunta  sa  Group D. Ang mangu­nguna sa Group B ay papasok sa Group E kasama ang Smart Gilas at Iran at ang second placer ay mapupun­ta sa Group F.

Panonoorin ng mga scouts ngayon ang first pre­­liminary games sa pa­gitan ng  Kazakhstan at Saudi Arabia sa alas-2 p.m. (1 p.m. sa Manila) at India kontra sa Palestine sa alasa-4 p.m. (3 p.m. sa Manila).

“Our opponent will either be Kazakhstan or India,” sabi ni Gilas team ma­nager Aboy Castro.

Inaasahan niya na  na-scout na ng India at Kazakhstan ang Gilas squad na lumaro sa nakaraang 2014 World Cup sa Spain.

vuukle comment

ASIAN GAMES

GROUP

GROUP A

GROUP B

GROUP C

GROUP D

GROUP E

KAZAKHSTAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with