^

PSN Palaro

‘Di magkukumpiyansa vs Baste Altas natuto na ng leksyon

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Leksyong natutunan nang nilabanan ang talsik ng Mapua Cardinals sa huling laro ang magpapaalala sa Perpetual Help na hindi sila puwedeng magkumpiyansa sa 90th NCAA men’s basketball.

Katipan ng Altas ang nangungulelat na San Sebas­tian Stags sa ikalawang laro ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City at kailangan nila ang panalo para ma­natiling nakatuon sa puwesto sa Final Four.

Bago ito ay magpapang-abot muna ang St. Benilde Blazers at Cardinals sa ganap na alas-2 ng hapon at hanap ng una ang ika-10 panalo para masolo uli ang ikatlong puwesto sa liga.

Ang four-time defending champion San Beda Red Lions ang una pa rin sa 12-2 baraha habang ang Arellano Chiefs ang nasa ikalawang puwesto sa 10-4 karta bago sumunod ang Blazers at pahingang host Jose Rizal University Heavy Bombers sa 9-5 baraha.

Kung masilat ang Altas, ang San Beda ay opisyal na papasok sa Final Four.

Galing ang tropa ni coach Aric del Rosario sa mapait na 81-91 pagkatalo sa Mapua para madugtungan sa dalawa ang kanilang losing streak.

Sumobra ang kumpiyansa ng Altas sa Cardinals at kinapitalisa ito ng huli para mailista ang kanilang ikatlong dikit na panalo.

May 3-11 baraha ang Stags na kinatampukan ito ng sampung sunod na pagkatalo, at ang bagay na ito ang nais na putulin ng Baste na siyang dapat na paghandaan ng Altas.

Balak ng Blazers na madugtungan ang magka­sunod na panalo na nailista sa San Sebastian at Arellano upang tumatag pa ang paghahabol sa unang dalawang puwesto na magkakaroon ng twice-to-beat advantage.

Hindi naman pahuhuli ang Cardinals na pamumunuan ni CJ Isit matapos gawaran ng NCAA Press Corps bilang ACCEL Quantum 3XVI Player of the Week matapos ang 16.6 puntos, 8 rebounds at 7 assists a­verage sa tatlong dikit na panalo.

vuukle comment

ALTAS

ARELLANO CHIEFS

FINAL FOUR

JOSE RIZAL UNIVERSITY HEAVY BOMBERS

MAPUA CARDINALS

PERPETUAL HELP

PLAYER OF THE WEEK

PRESS CORPS

SAN BEDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with