^

PSN Palaro

1-0 lead pag-aagawan ng Army at Cagayan sa Finals

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. – PLDT vs Air Force (third place)

–  Awarding

Ceremonies

4 p.m. – Army

vs Cagayan Valley (championship)

 

MANILA, Philippines - Mag-uunahan ngayon ang Philippine Army at Ca­gayan Valley sa mahalagang 1-0 kalamangan sa pag­­­sisimula ng Shakey’s V-League Season 11 Open Con­ference Finals sa The Arena sa San Juan City.

Naghati ang dalawang koponan sa tig-isang pana­lo sa dalawang pagkikita sa liga para matiyak na ma­gi­ging ba­likatan ang sa­gupaan na itinakda sa alas-4.

Unang magpapang-abot ay ang PLDT Home Tel­pad Turbo Boosters at ang Air Force Air Spikers sa alas-2 ng ha­pon para sa ikatlong puwesto.

Matapos ang nasabing laro ay bibigyan ng pagki­lala ng ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Sha­key’s ang mga man­lalarong nailabas ang angking galing sa awarding ceremonies.

Mangunguna sa para­ra­ngalan si Ateneo Lady Eagles spiker Alyssa Valdez na siyang lumabas bi­lang No. 1 scorer ng liga.

Ang Army ang nagkam­peon sa torneo noong 2011 at determinado ang kopo­nan na makatikim muli ng titulo sa ligang may ayuda ng Accel at Mikasa.

Kumpleto ang line-up ng Lady Troopers dahil ma­titi­kas ang kanilang spikers sa pangunguna nina Rachel Ann Daquis, Jovelyn Gon­zaga, Nerrisa Bautista at Mary Jean Balse, habang ang beteranang si Ti­na Salak ang didiskarte sa opensa.

Ngunit hindi padadaig ang Cagayan na noong na­ka­raang taon ay umani ng kauna-unahang 16-0 sweep para katampukan ang kauna-unahang kampeonato sa torneo.

Mataas din ang kumpiyansa ni Cagayan coach Nes­tor Pamilar lalo pa at na­gawang bumangon ng ko­ponan mula sa pagkaka­talsik sa kompe­tisyon nang ma­talo sa unang apat sa limang laro sa quarterfinals.

Sina Aiza Maizo, Janine Mar­ciano at Pau Soriano ang mga aatake, habang ang depensa ay pangu­ngu­­nahan ni Shiela Pineda.

Ang mananalo ay may tsansang ibulsa ang titulo sa Agosto 31.

vuukle comment

AIR FORCE

AIR FORCE AIR SPIKERS

ALYSSA VALDEZ

ANG ARMY

ATENEO LADY EAGLES

CAGAYAN VALLEY

HOME TEL

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with