^

PSN Palaro

Melo, Wade at Bosh ayaw pang pumirma, hinihintay pang magdesisyon si James

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pagsisimula ng signing day sa NBA ay wala pa ring pinipirmahang kontrata sina Carmelo Anthony, Dwyane Wade at Chris Bosh.

Ito ay dahil na rin sa ka­nilang paghihintay sa magiging desisyon ni Le­Bron James.

Ngunit walang indikas­yon na kaagad itong gagawin ni James, habang pa­tuloy ang paghihintay ng Miami at Cleveland kagaya ng mga fans sa labas ng bahay ni James sa Akron, Ohio bagamat siya ay nasa Las Vegas.

Umaasa naman si Knicks president Phil Jackson na malalaman nila ang desisyon ni Anthony.

“But I expected one yes­terday and the day before yesterday,’’ sabi ni Jackson sa Knicks’ summer league practice sa Las Vegas. “But no, we’re waiting.’’

Samantala, lumagda ng kontrata sina Kyle Lowry at Marcin Gortat para manatili sa kanilang mga koponan, samantalang tu­manggap ng malalaking alok sina Chandler Parsons at Gordon Hayward.

Pumirma si Lowry ng isang $48 million contract para manatili sa Toronto matapos alukin ng Miami at Houston.

Magbabalik naman si Gortat sa Washington para sa kontratang nagkakaha­laga ng $60 milyon sa loob ng limang taon.

Maaari ring makakuha ang ibang players ng ma­lalaking kontrata sa mga susunod na araw.

Lumagda si Hayward ng isang offer sheet sa Charlotte Hornets na nagkakahalaga ng $63 milyon sa loob ng apat na taon.

May tatlong araw ang Utah Jazz para tapatan ito.

Inalok naman si Parsons ng isang three-year, $45 million offer mula sa Dallas.

Siya ay isang restricted free agent at maaaring ta­patan ng Rockets ang alok ng anumang kopo­nan.

Isa ang Rockets sa mga koponang tuma-target kay Bosh kung iiwanan nito ang Miami na maaaring ma­kaapekto sa pakikipag-usap nila kay Parsons.

Inalok naman ng Knicks si Anthony ng maximum allowable contract na halos $130 milyon sa loob ng limang taon.

vuukle comment

BRON JAMES

BUT I

CARMELO ANTHONY

CHANDLER PARSONS

CHARLOTTE HORNETS

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

LAS VEGAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with