^

Kutob

Hulyo 22, 2017

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

Pagtitibay: ‘Sin dami man ng patak ng ulan ang pagsubok na duma­ting, alam ko malalampasan ko ang lahat sa kalakasang kaloob ng aking Manlilikha.

CANCER (Hunyo 22-Hulyo 22) – Taglay ang liwanag at malikhaing isip na angkop sa pagpaplano sa hinaharap. Huwag aksayahin ang panahon. Matatapos ang gawain na sinimulan nang walang hadlang o abala. Lucky numbers at color for the day ay 2, 7, 19, 41 at indigo.

LEO  (Hulyo 23-Agosto 22) – Tumpak ang panahon sa pagpapayaman ng talino at kaalaman. Ang pagsasaliksik sa dapat malaman ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ay 2, 8, 14, 20 at sky blue.   

VIRGO (Agosto 23-Setyembre 23) – Huwag patangay sa agos ng karangyaan. Ilagay sa budget at magsimulang mag-impok upang may magamit kung may kailangan sa hinaharap. Magtipid. Lucky numbers at color for the day ay 3, 4, 20, 30 at citrine yellow.

LIBRA (Setyembre 24-Oktubre 23) – Aabalahin ang sarili sa pag-gawa sa loob ng tahanan dahil magbibigay ito ng kasiyahan sa sarili. Sa paraang mahinahon ang suliraning kasangkot ang kasamahan sa trabaho o sa tahanan ay madaling malulunasan. Lucky numbers at color for the day ay 9, 22, 29, 33 at electric blue.

SCORPIO (Oktubre 24-Nobyembre 22) – Ang kalusugan ay dapat bigyan nang sapat na panahon, magpahinga. Maaaring may payo ang kaibigan o kamag-anak sa kalagayang pinansiyal na dapat bigyang halaga. Lucky numbers at color for the day ay 5, 6, 18, 22 at dollar green.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23-Disyembre 21) – Ang payo tungkol sa pinansiyal ay isaalang-alang. May pagkakataon sa sosyal na aktibidad na makapagbubukas ng bagong pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 5, 18, 19, 29 at emerald green.

CAPRICORN (Disyembre 22-Enero 19) – Kailangan ang tulong ng isang kaibigan. Huwag ituloy ang isang bagay kung hindi alam ang kahihinatnan. Huwag mangutang o magpautang dahil hindi mababayaran o makakabayad sa tamang panahon. Lucky numbers at color for the day ay 3, 32, 39, 42 at pink.

AQUARIUS (Enero 20-Pebrero 18) – Huwag padala sa mungkahi ng iba. Huwag mag-alinlangan sa kasintahan o minamahal. Sa babae, ang labis na pagseselos ang kikitil sa relasyon. Lucky numbers at color for the day ay 8, 9, 26, 27 at yellow.

PISCES (Pebrero 19-Marso 20) – Ang kumplikas­yon tungkol sa salapi sa nagdaang araw ay magkakaroon nang kalutasan. Matatagpuan ang sarili sa alanganing sitwasyon. Lucky numbers at color for the day ay 5, 8, 16, 32 at blue.   

ARIES (Marso 21-Abril 19) – Magsabi nang tapat at totoo. Patunayan ang katapatan sa kapwa at sarili. Iwasan ang magsinungaling dahil mawawala ang tiwala ng kapwa. Lucky numbers at color for the day 1, 10, 16, 34 at yellow. 

TAURUS (Abril 20-Mayo 20) – Ang transaksyon sa negosyo ay dapat isagawa pagkalipas ng tanghali. Suriin nang mabuti ang proposisyon o suhesti­yon. Mag-ingat sa mga mapagsamantalang kasamahan sa trabaho. Lucky numbers at color for the day ay 1, 6, 19, 37 at red.

GEMINI  (Mayo 21-Hunyo 21) –  Mahalaga ang tulong na maibibigay ng iba. Magpasalamat sa pagtanggap ng suhestiyon o sa mungkahing maibibigay ng iba dahil malaking tulong ito ngayon. Lucky numbers  at color for the day ay 3, 9, 12, 15 at turquoise.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with