^

Punto Mo

Plunder, isama sa bitay

KWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

PATUNAYAN ng mga mambabatas na sila ay nagbabalangkas ng batas na hindi sa kanilang pansariling kapakinabangan.

Isa sa paraan dito ay tiya-king maisasama sa parusang bitay ang kasong plunder.

Hindi dapat mangimi ang mga kongresista at senador na maisama ang plunder na maaaring mapatawan ng bitay.

Isabay na nang mga mam-babatas na maamyendahan     na ang plunder law at ibaba ang threshold na P50 million.

Mapapatunayan ng mga mambabatas na sila ay hindi gumagawa ng katiwalian kung ibaba ang threshold na P50 million ay gawing P1 million na lang.

Masyadong mataas ang P50 million dahil maaaring makapagdambong o magnakaw ang opisyal o tauhan ng gobyerno ng P49,999,000 at hindi sakop ng bitay.

Dapat ay P1 million lang ay pasok sa plunder at ito ay agad na makukulong na walang piyansa at kung mapatunayang guilty ay bitay ang parusa.

Kung maibaba ang threshold na P1 million tiyak na mababawasan ang mga magnanakaw at tiwaling opisyal ng gobyerno  dahil tiyak na matatakot na makulong na walang piyansa at maaaring maparusahan ng bitay. Isa ito sa magiging mabisa ang kampanya laban sa graft and corruption sa gobyerno.

Pero kung aayaw ang mga mambabatas na ibaba ang thre-shold, alam na ng publiko na may ilang opisyal ang sangkot sa katiwalian at nagpapatuloy na nagsasamantala sa kaban ng bayan.

vuukle comment

PLUNDER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with