^

Bansa

Sabwatan ng 2 alkalde, pinabulaanan

K KA LANG? - Gary Bernardo - Pilipino Star Ngayon

PAMPANGA , Philippines   - Dismayado si Bacolor Mayor Jomar Hizon sa akusasyon ng mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency - National Capital Region na may sabwatan sila sa pagitan ni Magalang Mayor Malou Lacson kaugnay sa milyong halaga ng baboy na nakumpiska sa natagpuang shabu lab sa nasabing bayan noong nakalipas na taon.

Base sa tala, ipinagbili ng lokal na pamahalaan ng Magalang kay Mayor Hizon ang apat na libong baboy na nakumpiska ng mga awtoridad sa Jeawong Farm kung saan nadiskubre ang underground drug laboratory noong nakaraang taon.

Ayon kay Hizon, nagkamali ang PDEA sa akusasyon na may sabwatan sila ng Mayor Lacson dahil may resolusyon na aprubado ng Sangguniang Bayan na nagbibigay kapangyarihan na maibenta ang mga baboy.

Nabili ni Mayor Hizon, anak ng may-ari ng Pampanga’s Best ang mga baboy sa halagang P7 milyon matapos na i-offer umano sa kanya ang mga ito.

Maliban dito, nagkakasakit na rin umano ang mga baboy kaya siya na lamang ang nagka-interest na bumili kung saan kanya munang pinaalagaan at ginamot upang matiyak ang kalusugan ng mga customer ng nasabing establisamento kung ito ay gagawing tocino at longganisa.

Matatandaang kinasuhan ng PDEA sa Ombudsman ang dalawang nabanggit na alkalde dahil sa pagbenta ng mga baboy.

vuukle comment

BACOLOR MAYOR JOMAR HIZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with