^

Punto Mo

‘Biyahero ngayong Undas’

K KA LANG? - Ben Tulfo - Pang-masa

SA mga bibiyahe nang malayo at uuwi sa mga probinsiya ngayong Undas. Muling nagpapaalala ang BITAG.

Bago kayo sumampa sa inyong mga sasakyan, siguraduhing nainspeksyon at nasa tama itong kondisyon.

Tiyakin na roadworthy at naipasilip sa mga eksperto. Na-tsek ang bawat parte lalong lalo na ang preno.

Pinakamahalaga sa lahat, siguraduhin na mayroong tamang pahinga at tulog ang magmamaneho. Dapat nasa tamang mentalidad at estado.

Huwag sasampa nang mainit ang ulo. Baka may makauna lang sa inyo, makagitgitan, umagaw sa linya, magkakaroon kayo ng komprontasyon at mauwi sa road rage.

Ito ang pagiging mainitin ng ulo sa lansangan. Nangyayari ito sa mga drayber na hindi handang magmaneho lalo na kapag malayuan, walang sapat na pahinga o hindi naman kaya may problemang dinadala.

Kung malayuan ang biyahe, mas makabubuting umalis ng maaga sa bahay. Huwag nang magpatanghali pa o makisabay sa dagsa ng mga sasakyan at trapiko.

Mas masayang magbiyahe kasama ang pamilya nang hindi aburido dahil sa mga delay at pagmamadaling makarating agad sa inyong mga destinasyon.

Higit sa lahat, para sa mga nagmamaneho, isipin ninyo nalang na kayo na ang pinakamatinong drayber sa lansangan at ang mga kasabay ninyo ay sandamakmak na “engot” kung magmaneho.

Habaan ang pasensiya. Huwag nang pumatol pa.

Mga simpleng tips at paalala mula sa BITAG pero malaki ang maitutulong lalo na sa mga uuwi sa malalayong probinsya ngayong Undas.

Mag-ingat, mag-ingat!

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang mga palabas, mag-subscribe sa BITAG OFFICIAL YouTube channel. 

 

vuukle comment

UNDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with