^

Punto Mo

‘Tuta si Duterte?’

K KA LANG? - Tony Calvento - Pang-masa

“I am not a “tuta” of any country,” ito ang mariing pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte bago siya umalis para sa kanyang State Visit sa Japan.

Maraming opinyon ang nagsilabasan nang patutsadahan ng hindi magagandang salita ng Pangulo ang Amerika. Ang Amerika ang matagal ng kaalyansa ng Pilipinas at maganda ang relasyon ng dalawang bansa.

Lalong nadagdagan ang mga isyu at spekulasyon nang magtungo siya sa China dahil sa mainit pa din ang isyu ng agawang ng teritoryo na nagbabawal sa mga Pilipinong mangisda sa Panatag Shoal.

Ngayon naman ay sa Japan ang destinasyong pupuntahan niya na kalabang-kalaban ng China.

Isa lang ang siniguro niya bago pa man siya umalis ng bansa. Hindi siya magpapa-tuta sa kahit na anong bansa at tanging ang mga Pilipino lamang ang pwedeng magtuta (paglingkuran) sa kanya.

Sa ilang taon na tila anino lang tayo ng ibang bansa ngayon ay nagkakaroon na tayo ng sarili nating mukha at pagkatao. Hindi tayo nagpapasakop o nagpapailalim sa mga makakapangyarihang bansa bagkus ay gumagawa tayo ng paraan para mas maging malakas na bansa na maraming kaalyansa.

Pangarap din ng Pangulo na pagdating ng panahon tanging mga sundalong Pilipino lang ang kanyang makikita at magtatanggol sa sarili nating bansa.

Hindi din daw siya pabor na magkaroon ng Visiting Forces Agreement (VFA) dahil wala naman tayong balak na sumabak sa giyera.

Pero sa kabilang banda ang pakikipag kapwa tao ay parang arithmetic puro addition at multiplication wala sanang division at subtraction. Para mas marami tayong kaalyado. Akin lang to.

Tuta si Duterte? Malayong mangyari yun siya ay isang ganap na aso na nasa sariling pag-iisip at maamo kung hindi mo siya kakantihin kung hindi kapag ginalit mo siya lalapangin ka niya.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

TONY CALVENTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with