^

PSN Opinyon

Pentekostes

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva - Pilipino Star Ngayon

NGAYON ang kapistahan ng Pagbaba ng Espiritu Santo. Ipinangako sa atin ni Hesukristo na: “Dadala-ngin ako sa Ama at kayo’y bibigyan pa Niya ng isang patnubay na magiging kasama ninyo magpakailanman. Siya ang magtuturo sa inyo na lahat ng sinasabi ko sa inyo”. Kaya magdiwang tayo. Ngayon ang kaarawan ng ating simbahan.

Ang pagbaba sa atin ng Espiritung Patnubay ay ika-50 araw ng Pasko ng Pagkabuhay, kaganapan ng gawain ni Hesukristo. Ang pagdating ng Espiritu ang pagbubukas pintuan na pinagtataguan ng mga disipulo sa kanilang takot sa mga Hudio. Kaya ang pagbaba ng Espiritu Santo ay natutulad sa ruah, isang malakas na hangin na nagbukas ng pintuan at puso ng mga taga-sunod ni Hesukristo.

Noong araw na yaon ay biglang narinig ang isang ugong mula sa langit, na animo’y hagunot ng malakas na hangin at may nakita silang wari’y mga dilang apoy na lumapag sa bawat isa sa kanila. Ipinagkaloob sa kanila ang Espiritu at sinasalita ang lahat ng wika at sila’y nagkaka-unawaan. Ang gift of tongue ay yaong sinasabi sa mga Gawa na sa kanilang pagkamangha ay silang lahat na nagkatipon-tipon ay nagka-unawaan, sapagka’t ang Jerusalem noon ay open city. Maraming tao ang naninirahan doon katulad ng Maynila na kung saan-saan galing ang mga nakatira ngayon. Iba’t ibang lenguwahe ang sinasabi ng mga tao, subali’t sa pagbaba ng Espiritu Santo ay nagkaunawaan ang lahat.

Ngayon, tayong lahat ay dapat mamuhay ayon sa Espiritu ng Diyos sapagka’t ang mga nabubuhay ayon sa laman ay hindi maaring kalugdan ng Diyos ayon kay Pablo. Mamintakasi tayo sa Espiritu Santo upang liwanagan tayo tuwina lalung-lalo na sa desisyon ng ating buhay. Ipanalangin sa Espiritu Santo ang mga bagong nahalal sa ating bansa: Mga senador, gobernador, mayor, mga konsehal at lahat ng mga dapat maglingkod sa ating bayan.

Sa bawa’t sandali ng ating buhay ay lagi tayong manikluhod sa Espiritu Santo upang liwanagan tayo sa mga pang araw-araw na desisyon sa ating buhay.  Palagi kong sinasabi sa mga mag-asawa na manalangin tuwina sa Espiritu Santo upang sila ay gabayan at liwanagan, sa halip na magtalo o mag-away.

Gawa 2:1-11; Salmo 103; Roma 8:8-17 at Juan 14:15-16, 23b

DIYOS

ESPIRITU

ESPIRITU SANTO

ESPIRITUNG PATNUBAY

GAWA

HESUKRISTO

KAYA

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with