^

Metro

Aberya ng MRT-3: 200 pasahero pinababa

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Aberya ng MRT-3: 200 pasahero pinababa

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na dakong alas-6 ng umaga nang makaranas ng electrical failure ang motor ng nasabing tren na dulot umano ng mga lumang electrical sub-components. File

MANILA, Philippines — Maagang naperwisyo ang mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nang dumanas ng panibagong aberya sa area ng Makati City kahapon ng umaga.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), nabatid na dakong alas-6 ng umaga nang makaranas ng electrical failure ang motor ng nasabing tren na dulot umano ng mga lumang electrical sub-components.

Dahil dito, napilitan ang pamunuan ng MRT-3 na pababain ang 200 pasahero sa bahagi ng northbound train sa Magallanes station.

Gayunman, mabilis namang naisakay ang mga apektadong pasahero sa panibagong tren matapos ang pitong minuto para maihatid sa kani-kanilang destinasyon.

Kaagad na hinatak ang nagkaaberyang tren sa depot ng MRT-3 sa North Avenue Station para sa preventive maintenance.

Samantala, naghandog naman ng libreng-sakay ang MRT-3 kahapon bilang pakikiisa sa pag-aalala sa ika-121 death anniversary ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Nakasakay ng libre ang mga pasahero simula alas-7 hanggang alas-9 ng u­maga habang alas-5 naman ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Ang MRT-3 ay bumibiyahe sa kahabaan ng Edsa mula North Avenue, Quezon City hanggang Taft Avenue, Pasay City at vice versa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with