^

Metro

LPG refilling plants mas hihigpitan ng DOE

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas mahigpit na mga panuntunan ang nakatakdang ipatupad ng Department of Energy (DOE) sa mga liquefied petroleum gas (LPG) refilling plants sa bansa upang matiyak ang kalidad ng mga produkto at sa kaligtasan ng mga konsyumer.

Ito ay makaraang ilabas ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang “Unified Code of Safety Practices in LPG Refilling Plants” bilang bahagi ng kampanya para sa mas ligtas na paggamit ng LPG. Nakatakdang labanan umano nito ang nagaganap na iligal na pagbebenta ng LPG sa mga hindi otorisadong negos­yante at pagligtas sa mga insidente ng sunog dahil sa mababang kalidad na mga produkto.

Kabilang sa Code of Safety ang: Mahigpit na mga panuntunan sa inspeksyon sa mga delivery vehicles ng LPG at transportasyon nito; panuntunan sa “cylinder refilling” kabilang ang paghihiwalay sa mga nabubulok o may singaw nang tangke at pag-refill gamit ang mga “electronic filling machines” para sa tamang timbang at maintenance sa mga LPG cylinders.

Nakapaloob pa dito ang pagkakaroon ng “fire drill at fire marshall” sa mga planta at mahigpit na pagsasanay sa mga emple­yado ng mga refilling plants kabilang ang pagbibigay ng pangunahing fire fighting seminer, first aid training, at basic occupational safety and health seminar.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with