PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Suspect sa rape slay ng bank employee, tinukoy

Bangkay sinunog pa!

MANILA, Philippines — Isang sinasabing adik na auto mechanic ang umano’y isa sa responsable sa pagdukot, panggagahasa, pagpatay at pag­sunog sa bangkay ng isang bank employee sa loob ng isang abandonadong gusali sa Pasig City, nitong Linggo.

Batay sa naantalang report na nakarating sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director P/Chief Supt. Romulo Sapitula, itinuturing nilang suspect ang isang Diolan Acebuche, 23, sa kaso ng pagpatay sa biktimang si Mabel Cama, 22, dalaga, bank employee, at residente ng Ortigas Avenue Ex­tension, sa Brgy. Rosario, Pasig City.

Ang sunog at nakahubad na bangkay ni Cama ay nadiskubre dakong alas-12:20 ng tanghali nitong Linggo, sa loob ng isang abandonadong gusali, na ilang metro lamang ang layo mula sa kanilang tahanan, at matatagpuan sa compound ng Mega Bus Line Terminal, na da­ting impounding area ng Metro Manila Development Authority (MMDA), kung saan naman nakatira si Acebuche.

Itinuring ng mga pulis na suspect ang auto mechanic ma­tapos na ituro na isang di pinangalanang saksi na siyang nakitang nakatayo sa labas ng abandonadong gusali, ilang oras bago natagpuan ang bangkay ni Cama sa naturang lugar.

Sa salaysay ng saksi, patungo na siya sa kanyang barracks dakong alas-10:00 ng gabi noong Sabado nang mamataan si Acebuche na nakatayo sa tapat ng pinto ng abandonadong gusali, na may lumalabas pa aniyang usok.

Nagsasagawa naman na ng follow-up investigation ang mga awtoridad upang matukoy kung sino pa ang posibleng ka­sabwat ni Acebuche, batay na rin sa pahayag ng iba pang saksi sa krimen na dalawa ang lalaking nakita nilang nakatayo malapit sa bahay ng biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ayon naman kay Barangay­ Rosario Executive Officer Floriezel Santos, huli umanong na­kita ng mga kapitbahay na buhay si Cama dakong alas-11:00 ng gabi noong Biyernes habang ku­makatok sa pintuan ng kani­lang tahanan.

Hinihintay pa ng mga pulis ang resulta ng awtopsiya at ge­­nital examination sa biktima upang matukoy kung magtutugma ba ito kay Acebuche.

Nabatid na bago nadiskubreng patay ang biktima ay hindi nakauwi sa kanilang tahanan noong Biyernes ng gabi, kaya’t inireport na ito ng kanyang ama sa pulisya na nawawala noong Sabado ng umaga. Sinabi ni  P/Senior Insp. Obet Garcia, sunog ang kalahati ng katawan ng biktima nang matagpuan, hubo’t-hubad na palatandaang ginahasa muna ito bago pinatay sa pamamagitan nang paghampas­ ng matigas na bagay sa ulo at mukha nito. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: