^

Metro

Babaeng recruiter ng terorista sa Marawi, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Babaeng recruiter ng terorista sa Marawi, arestado

Karen Aizha Hamidon

MANILA, Philippines — Natimbog ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng recruiter na pinaniniwalaang nanghihikayat sa mga dayuhan na magtungo sa Pilipinas para sa laban sa Marawi City sa layuning matagumpay na maitatag  ang  Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) province sa Marawi City.

Sa pulong-balitaan kahapon, iniharap ni NBI Director Dante A. Gierran ang suspek na si Karen Aizha Hamidon, 36, tubong Zamboanga at residente ng isang condominium sa Bonifacio Global City. Dinakip ito noong Oktubre 11, sa kaniyang tahanan ng mga operatiba ng NBI-Counter Terrorism Division sa pamamagitan ng search warrant nang matunton ang online activities sa social media na “Telegram” sa pagpapakalat ng Islamic extremist propaganda para sa pagre-recruit ng ISIS-Maute fighters.

Isang linggong isinailalim muna sa imbestigasyon si Hamidon na nadiskubre pang siya ay international person of inte­rest noong kalagitnaan ng 2016 matapos makapag-recruit ng Indian nationals na ipinadala sa Mindanao bilang ISIS fighters.

Asawa si Hamidon ni Mohammad Jaafar Maguid, alyas Tokboy at Abu Sharifa na napatay ng mga pulis noong Enero 2017 sa Saranggani. Siya ang dating lider ng Ansar Khalifa Philippines (AKP), ang grupong responsable sa September 2016 Davao City night market bombing sa tulong ng Maute Group at ang bigong pambobomba sa US Embassy sa Roxas Boulevard, sa Maynila noong Disyembre 2016.  

Maliban dito, dating asawa din si Hamidon ng Singaporean national na si Muhammad Shamin Mohammed Sidek,  na nadakip din dahil sa kaugnayan sa ISIS.

Natukoy din si Hamidon na kasamahan ng isang Musa Cerantonio, isang Australian Islamist preacher na nagturo sa mga foreign ISIS.

Subject din umano si Hamidon sa imbestigasyon ng foreign intelligence agencies hinggil sa alegasyong nagpopondo at nagpapakalat ng Islamic propaganda.

Narekober mula kay Hamidon ang cellphones, laptops, tablets at iba pang electronic devices, kung saan nadiskubre pa ang karagdagang ebidensiya partikular ang 296 posts  na nanghihikayat para lumaban sa Marawi.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with