^

Metro

Kalsadang matagal nang sarado bukas na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

 Taft Avenue sa Baclaran

MANILA, Philippines — Nabuksan na sa trapiko ang bahagi ng Taft Avenue sa Baclaran, Pasay City na may ilang dekada nang nakasara dahil sa pag-okupa ng mga  illegal vendors makaraan ang halos tatlong araw na “clearing operations” ng Me-tropolitan Manila Development Autority (MMDA).

Inumpisahan ang operas­yon nitong nakaraang Huwebes na nagtapos lamang kamakalawa ng Sabado dahil sa dami ng mga stalls na nakatayo hindi lang sa bangketa ngunit maging sa buong kalsada. Sa pagkaka­taong ito, nasilayan na ang kalsada at maging ang island na naghahati sa magkabilang lane ng Taft Avenue.

 Nakiusap naman ang ilang vendors kay MMDA Chairman Danny Lim na mag­patuloy sa kanilang pagtitinda dahil sa panghihinayang sa kikitain lalo na’t papasok na ang Kapaskuhan.  Ipinaliwanag naman ni Lim na ang kanyang ahensya naman ang tatamaan ng kritisismo mula sa taumbayan.

 Idinagdag pa ni Lim na bukod sa ginagampanan lamang nila ang tungkulin sa pagpapaluwag sa mga kalsada para makatulong sa daloy ng trapiko, sumusunod rin sila sa kautusan ni Pangulong Duterte na lansagin lahat ng mga obs­truksyon sa kalsada kahit na may proteksyon ang mga ito.

Nagtakda na lamang ang MMDA ng lugar kung saan maaaring magtinda ang mga vendors na kanilang ginuhitan ng pink line na dapat hindi lalagpas ang mga magtitinda para hindi makasagabal sa daloy ng trapiko at mga dumaraang tao.

Nangako naman umano ang pamahalaang lungsod ng Pasay na pinamumunuan ni Mayor Tony Calixto na makikipagtulungan sa MMDA upang mapanatili ang kaayusan sa lugar at hindi na magbalikan ang mga vendors sa kalsada. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with