^

Metro

Parak sinet-up, tinodas ng sindikato ng droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Parak sinet-up, tinodas ng sindikato ng droga

Nagtamo ng mara­ming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na si PO3 Noel Cabanglan, 36, miyembro ng Valenzuela City Police-Drug Enforcement Unit (DEU). File

MANILA, Philippines - Utas ang isang anti-drug police makaraang pagbabarilin ng isa sa apat na suspek kabilang ang isang impormante na nag-set-up sa kanya, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Nagtamo ng mara­ming tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na si PO3 Noel Cabanglan, 36, miyembro ng Valenzuela City Police-Drug Enforcement Unit (DEU).

Kinikilala at pinaghahanap ngayon ang apat na suspek kabilang ang impormante at drug suspek na nakilala pa lamang sa alyas na Angelica Nguso.

Sa inisyal na ulat, naganap ang krimen dakong alas-5:55 ng hapon sa kanto ng A. Bernardino at Que Grande Str. sa Brgy. Ugong sa naturang lungsod.  Nabatid na nagtungo sa naturang lugar si Cabanglan upang katagpuin si Angelica Nguso na magbibigay umano ng mahalagang impormasyon ukol sa operasyon ng iligal na droga ng sindikato sa lungsod.

Dumating ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo at inabutan ang dalawang babae at dalawang lalaki sa lugar. Habang kausap si Angelica Nguso, isa sa lalaki ang pumuwesto sa likuran ni Cabanglan at bigla siyang pinagbabaril.  Agad na nagsitakas ang mga suspek matapos na matiyak na wala nang buhay ang biktima.

Kasalukuyan namang nangangalap ng impormasyon ang pulisya ukol sa krimen habang nakakuha rin ng footage ng “closed circuit television camera” sa bisinidad na nirerebisa ngayon sa posibilidad na nakunan ang hitsura ng mga salarin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with