PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Grade 5 pupil patay sa ligaw na bala

Kinilala ang nasawi na si Jezell Mallari, Grade 5 student, residente ng New Anti­polo St., Tondo, Maynila, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at inabot pa ang kanang mata. File

MANILA, Philippines -  Isang 14 -anyos na dala­gita ang nasawi nang aksidenteng tamaan ng ligaw bala na para sana sa isang lalaking target ng riding-in- tandem, sa Antipolo St., Tondo, Maynila, kamaka-lawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Jezell Mallari, Grade 5 student, residente ng New Anti­polo St., Tondo, Maynila, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at inabot pa ang kanang mata.

Sa ulat ni SPO2 Charles John Duran ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:31 ng hapon nitong Miyer­ku­les (Abril 19) nang ma­ganap ang insidente sa Antipolo St., malapit sa ba­rangay hall ng Brgy. 217 sa Tondo.

Nabatid sa ulat na pinaputukan ng hindi nakikila-lang riding-in-tandem ang isang alyas Amag na nag­lalakad sa lugar subalit sumablay ito at sa halip ay tinamaan ang biktimang dalagita sa ulo na noon ay nakikipagkuwentuhan lamang sa kanyang mga kaibigan sa lugar.

Mabilis na tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay dinala sa pagamutan ng isang Jose­lito Sison.

Nagsasagawa ng follow-up operation ang mga pulis para sa ikadarakip ng mga suspek.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dakong alas-3:50 ng   ma­­daling araw nang idekla­rang patay ang biktima.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: