^

Punto Mo

Krema (160)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“WALA namang makakakita sa atin, Krema kaya huwag kang mag-alala. Di ba sa atin ang lupaing ito?’’ Sabi ni Lex habang nakatingin sa direksiyon na kinaroroonan ni Krema. Naghuhubad na ng damit si Krema.

“Oo nga alam kong sa atin ito pero paano tayo nakakasiguro na walang ibang taong nagdaraan. Marami na ngayong dayo rito. Di ba’t muntik na ngang makapasok ang mga drug syndicate.’’

“Pero sa oras na ito ay tiyak ko na tayo lamang ang tao rito kaya halika na. Ang sarap ng tubig, Krema.’’

“Tumalikod ka muna, Lex. Ayaw kong nakaharap ka habang lumulusong ako. Hindi ako sanay na may nakatingin sa hubad kong katawan.’’

“E ako rin naman e hubad a, ba’t hindi ako naaalangan?’’

“Lalaki ka kasi! Ako e babae at hindi sanay mag-all the way. Sa batalan lang ako naghuhubad.’’

“Oo nga nakita kita nun.’’

“Sinilipan mo ako?’’

“Hindi naman silip. Basta nakita kita sa siwang ng dingding na kawayan.’’

“E di nakitaan mo na ako?’’

“Hindi gaano. Pahapyaw lang.’’

“Wala na pala akong ipagmamalaki sa’yo.’’

“Pahapyaw nga lang. Ni hindi ko nga nakita ang bird’s nest.’’

“Loko ka talaga!’’

“Talaga naman. Parang wala akong nakitang pugad ng ibon.’’

“Lex ha, niloloko mo na ako.’’

“Sige, hindi na. Lumusong ka na rito.’’

“Tumalikod ka nga sabi. Talikod at lulusong na ako.’’

“O sige tatalikod na ako.’’

Tumalikod si Lex.

Dahan-dahan namang lu-mabas mula sa likod ng puno si Krema at naglakad patungo sa pampang.

Nang bababa na ito sa tubig ay biglang humarap si Lex kaya kitang-kita niya ang kabuuan ni Krema.

“Wowowow!’’

Biglang napatakbo si Krema sa tubig at inilubog ang sarili para hindi makita ni Lex.

“Loko ka talaga, Lex!’’

Tawa nang tawa si Lex.

“May bird’s nest pala ah! Makapal!’’

“Loko-loko.’’

“Sisisirin kita, Krema.’’

“Lex pasaway ka na ha?’’

Pero biglang sumisid si Lex. (Itutuloy)

vuukle comment

KREMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with