PSN Metro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Barker, tinaniman ng bala sa ulo

MANILA, Philippines -  Hindi na nagising pa ang isang barker mula sa  pagkakatulog sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City makaraang pasukin at barilin sa ulo, kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Riopoldo Evarley, 33, ng squatter area, Luzon Avenue cor, Cogressional Avenue, Brgy. Culiat, QC.

Si Evarley ay agad nasawi sa crime scene dahil  sa  tinamong isang tama ng bala ng .45 kalibre ng baril sa ulo.

Base  sa inisyal na ulat ni PO3 Roldan Cornejo, desk officer ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas – 5:00 ng umaga nang maganap ang krimen.

Hinala ng pulisya, tauhan ng vigilantes ang suspek na pumaslang sa barker, na ayon sa mga kabaro ay dating gumagamit ng iligal na droga ngunit  matagal ng umanong nagbagong buhay. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: