^

Bansa

TESDA chief suportado si Duterte sa independent foreign policy

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Suportado ni Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Director General, Secretary Guiling “Gene” Mamondiong ang pagdedeklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ng independent foreign policy.

Ayon kay Mamondiong, tama lamang ang desisyon ni Pangulong Duterte dahil sa pamamagitan nito ay makakukuha tayo ng respeto sa buong mundo.

“We are a nation of more than 100 million Filipino so the world must respect our decision, we are a sovereign nation so the other counties must respect us, treat us equal to other powerful nation”, sabi pa ni Mamondiong.

Aniya, hindi nangangahulugan na nagdeklara ang pangulo ng independent foreign policy ay hindi na tayo makikipag-usap sa ibang bansa bagkus ay magi­ging pangmatagalan ang ating pakikipag-ugnayan at malaki ang makukuhang interes dito ng Pilipinas.

Sa prosesong ito, kinakailangan nating mamili ng maaasahan na pangmatagalang kaalyado ngunit kasama sa kasunduan ang pagbibigay ng konsiderasyon sa national, regional at global interest ng bansa.

Sinabi pa nito na ang pagdedeklara ng independent foreign policy ay isang pangmatagalang polisiya upang makamit natin ang ating kasarinlan ngunit hindi ito nakukuha sa madaliang panahon bagkus ay nakakamit ito sa pangmatagalang pagsisikap.

 Idinagdag pa nito na hindi natin kailangang palaging umaasa sa tulong ng malalaking bansa at kailangan din nating ipakita sa buong mundo na kaya nating ipagtanggol ang ating kasarinlan.

vuukle comment

TESDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with