^

Metro

Drug peddler dedo sa buy-bust

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bulagta ang 47-anyos  na drug peddler matapos itong kumasa at makipagbarilan sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa harapan ng  Rizal Memorial Stadium sa Malate, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Anim na tama ng bala ang tumapos sa buhay ni alyas “Aries Demonyo” ng Sputnik Gang na may tattoo na ‘Bugs Bunny’ sa kanang paa, ‘Bundoy Pugante’ at ‘Aragones Maribel’ sa kanang braso.

Ayon kay SPO2 Charles John Duran ng Manila Police District-Homicide Section, ikinasa ang buy-bust operation dakong alas-11:20 ng gabi sa Adriatico Street malapit sa panulukan ng P. Ocampo Street sa Malate.

Gayunman nakahalata ang suspek kay PO1 Kirk Alwyn Gonzales na pinapa-sok umano ito sa sports utility vehicle na minamaneho ng isa pang lalaki.

Nang mahalata umano ng suspek na pulis ang kanyang ka-deal ay kaagad na bumunot ng baril ang suspek.

Mabilis na lumabas sa SUV ang pulis subalit hinabol siya ng suspek na tangkang magpaputok pero naunahan niya ito at napatay.

Nakatakas naman ang driver na kasama ni Aries

Habang narekober naman cal.38 revolver at 5 plastic sachet ng shabu. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with