^

Metro

Hapones tumalon mula 15th floor ng building, lasog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabasag ang bungo ng isang Hapones matapos itong tumalon mula sa 15th floor sa isang gusali sa Pasay kahapon ng umaga.

Dead-on-the-spot si Yuhei Chiba, 26, na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sa sketchy report na natanggap ni Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police,  naganap ang insidente alas-8:30 ng umaga sa EGI Building  sa panulukan ng Taft at Gil Puyat Avenue ng naturang lungsod.

Ayon sa isang testigong guwardya na si Jessie Reyes, habang siya ay  naka-duty nakarinig siya ng kalabog na bumagsak mula sa itaas ng EGI Building.

 Kaagad niya itong inalam at dito niya nakita ang duguan  at walang buhay na biktima. Ayon kay Doria, nabatid na may reservation ang biktima sa Atrium Hotel, subalit hindi nito tinuloy ang pag-check-in.

Inaalam pa nila ang dahilan nang pagpapatiwakal ng naturang dayuhan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with