^

Metro

Lola lasog sa kotse

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang hindi nakikilalang matandang babae makaraang masagasaan ng isang kotse na minamaneho ng isang 70-anyos din na lola sa Quezon Avenue, Quezon City kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Quezon City Police District Sektor 1, wala silang nakuhang pagkakakilanlan sa biktima na sinasabing pagala-gala lang ito sa naturang lugar.

Kusa namang nag­pasalang sa imbestigasyon ang nakasaga­sang si Dalisay Ca­bu-gao, biyuda ng Rushmore St, Filinvest, Ba­tasan Hills, Quezon City. 

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Jessie Flores, ng QCPD Traffic Sector 1 nangyari ang insi-dente dakong alas-4:20 ng madaling araw sa kahabaan ng Quezon Avenue partikular sa tapat ng QCPD Police Community Precinct ( PCP -3) malapit sa Fisher Mall.

Sinasabing minamaneho ni Lola Dalisay ang kanyang Honda City Sedan (XDM-597) at tinatahak ang nasabing lugar nang bigla umanong tumakbo ang biktima mula sa Center Island ng Quezon Ave­nue at biglang umupo, dahilan para hindi na makaiwas ng una at mabundol ito.

Nagpahayag naman ng kahandaan para tumulong ni Lola Dalisay sa sinumang kaanak ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with