^

Balita Ngayon

LPA isa nang bagyo, pinangalanang 'Fabian'

AJ Bolando - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa nang ganap na bagyo ang low pressure area na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration sa kanlurang Batangas, ayon sa weather bureau ngayong Huwebes.

Sa weather bulletin ng PAGASA, ganap na 11 ng umaga ay nasa 290 kilometro kanluran ng Iba, Zambales ang bagyo na pinangalanang "Fabian." Ang naturang bagyo ang pang-anim na pumasok sa bansa ngayong taon.

May lakas na 55 kilometers per hour si Fabian na gumagalaw pa hilaga hilagang-kanluran sa bilis na 11 kph.

Inaasahan na lalapit sa Sinait, Ilocos Norte si "Fabian" Bukas at pagdating ng kamakalawa ay nasa 410 km hilagang-kanluran ng lungsod ng Laoag o sa labas ng Philippine Area of Responsibility.

Sinabi ng PAGASA na wala namang direktang tatamaan si Fabian pero palalakasin nito ang habagat na magdadala ng katamtaman hanggang malalakas na ulan na may pagkulog at pagkidlat sa kanlurang bahagi ng Luzon partikular sa Palawan.

 

 

vuukle comment

BATANGAS

BUKAS

GEOPHYSICAL AND ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION

HUWEBES

ILOCOS NORTE

INAASAHAN

ISA

LAOAG

PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY

PHILIPPINE ATMOSPHERIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with