^

Balita Ngayon

Suspek sa nakawan sa SM Megamall, nakapagpiyansa lamang

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Naaresto na dahil rin sa pagnanakaw at nakapagpiyansa lamang ang mga suspek sa panloloob sa SM Megamall noong Sabado ng gabi, ayon sa hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

"The primary suspects have been involved in a similar crime. They're out on bail... They have been arrested way back...," pahayag ni NCRPO chief Leonardo Espina sa isang panayam sa radyo.

Aniya, may ilang mall na rin ang napasok ng mga suspek at gumamit din sila ng liyabe tubo na nabili sa Ace Hardware sa mga naturang paagsalakay.

"Yung nangyari sa mall, yung primary suspects ho natin ay nagawa na ito noon eh. Nakapiyansa. Robbery rin ho ang nangyari tatlo ho pa yung sila mga nabiktima. Bumili pa ho yan ng pipe wrench sa katabing Ace hardware.Nailusot ang isang baril. At way back nahuli ho ang mga ito. We will not disclose muna in details kasi operational pa ho ang mga tao," ani Espina.

Sa naganap na nakawan noong Sabado, nakapagpasok ng baril ang isa sa mga suspek na pinaniniwalaang itinago sa pagitan ng kanyang dalawang hita.

Sa loob lamang ng ilang minuto, nagawa na ng mga suspek na makuha ang mga alahas sa isang tindahan sa upper ground floor ng mall at mabilis na humalo sa mga nagkakagulong tao para tumakas.

Sinabi pa ni Espina na nakipagpulong na siya sa mga police district directors at security managers ng mga mall at pinag-usapan kung paano maiiwasang maulit ang insidente.

Iginiit niya na mayroong malaking pagkukulang sa mga ipinapatupad na security measures sa mga mall sa Kamaynilaan gayundin ang kakulangan sa parte ng mga security agency sa mga establisimyento.

"Hindi ko na ho idi-detalye buong araw kaming nag-uusap kung ano hong mga lapses etcetera...Nakalipas na nangyari. Ang importante ho dito magkaroon ng unity sa efforts between us and dun sa internal security ng mga mall...may mga lapses ho talaga na noted but these has to be corrected immediately," dagdag ni Espina.

"We are now implementing all the measures that were agreed upon during yesterday's meeting... There is a need to have interoperability between security officers inside and the policemen outside," dagdag ni Espina.

Sinabi ni Espina dapat ay magkaroon ng regular na drill at exercises upang maging handa ang mga security personnel.

vuukle comment

ACE HARDWARE

ANIYA

BUMILI

ESPINA

LEONARDO ESPINA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

SABADO

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with