PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trader dedo sa road mishap

BULACAN, Philipines - Isang 24-anyos na negosyante ang iniulat na nasawi habang nasa kritikal na kalagayan ang kasama nito makaraang sumalpok ang kanilang kotse sa kasalubong na truck sa kahabaan ng highway sa Barangay San Roque sa bayan ng San Rafael, Bulacan kahapon ng madaling-araw. Halos mayupi ang katawan ni Johnson De Ocampo ng Brgy. Banca-Banca habang nasa ospital naman si Eduardo Cajucom, 34, ng Barangay Maguinao, San Rafael, Bulacan. Sumuko naman sa pulisya ang drayber ang Izusu truck (CTS 530) na si Dondon De Guzman, 35, ng Brgy. San Fernando sa bayan ng Laur, Nueva Ecija. Sa ulat na nakarating kay P/Supt.Rodolfo Hernandez, lumilitaw na patungo sa Maynila sina De Ocampo at Cajucom lulan ng Honda CRV (TON 99) nang maganap ang road mishap.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: