PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Trader todas sa holdaper

BULACAN, Philippines — Napatay ang isang 31-anyos na negosyante matapos barilin ng mga ‘di-pa kilalang lalaki sa naganap na holdap sa Barangay Caysio sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kamaka­lawa. Kinilala ang napatay na si Jefree Ariel Arceo ng Brgy. Sto. Niño, Cainta, Rizal. 

Ayon sa ulat, si Arceo na lulan ng Izusu trak (UBL 695) kasama ang dalawang pahi­nante nito patungong SJR farm para bumili ng baboy nang harangin at pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen. Tangay ng mga holdaper ang P2,000 cash at celpon ng biktimang tinamaan ng bala sa dibdib.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: