PSN Probinsiya ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Sundalo todas sa rescue

MANILA, Philippines - Isang sundalo ang na­sawi habang lima ang su­gatan nang maka-engku­wentro ng mga ito ang grupo ng Moro Islamic Li­be­ration Front na siyang dumukot sa dalawang em­pleyado ng isang lending firm sa Sumisip, Basilan. Ang nasawi ay nakilala lang sa pangalang Sgt. Cena habang ang mga su­­­gatan ay tinukoy lang sa pangalang Sgt. Elofre, Sgt. Castillo, Corporal Pe­ña­randa, Corporal Cur­pin at Pfc. Dintay.    

Sinasabing nagsasa­gawa ng rescue mission ang tropa ng militar da­kong alas-10:00 ng uma­ga ka­makalawa upang ma­iligtas ang mga bihag na sina Leah Patris at Amad Salih Ilang na di­nukot noong Pebrero 3 sa Brgy Limbu, Cadis, ngunit pi­nalaya din ang huli noong Pebrero 6.    

Agad na nagsitakas ang grupo ng MILF ma­tapos ang 30 minuto na pakiki­paglaban. Hostage pa rin nito at ng Abu Say­yaf ang mga gurong sina Quizon Freirez, Rafael Mayonada at Jeannette delos Reyes na unang dinukot noong Enero 23. (Joy Cantos)

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: