^

Probinsiya

2 kumasa sa police ops, todas

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Bulagta ang sinasabing dalawang miyembro ng organized crime group makaraang kumasa sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na police operation sa Barangay Aringay sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Jonathan Mangakoy, miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team; at Sendatun Baliwan na kapwa residente sa nasabing barangay.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Lorenzo Henarez, hepe ng Regional Police Anti-Drug Unit,  ang dalawa ay sinasabing sangkot sa iba’t ibang krimen kaya isinailalim sa surveilance, kasama ng tatlong iba pa sa 25 search warrant na inisyu ng hukuman.

Kapwa idineklarang patay sina Mangakoy at Baliwan sa USM Hospital sa Brgy. Poblacion. Samantala, arestado naman ang isa pang kasama nina Mangakoy at Baliwan na sinasabing sangkot sa drug trade at carnapping.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with