^

Probinsiya

Pulis itinumba sa Batangas

Pilipino Star Ngayon
Pulis itinumba sa Batangas

MANILA, Philippines — Isang pulis ang tinambangan ng armadong kalalakihang sakay ng motorsiklo nitong kamakalawa ng gabi sa San Juan, Batangas.

Nakilala ang biktimang si Police Officer 1 Jay-R Cartaciano na nakatalaga sa San Juan police station.

Ayon sa ulat, nagmamaneho ng kaniyang sasakyan si Cartaciano nang pagbabarilin ng mga suspek sa Barangay Buhay na Sapa.

Naisugod pa sa San Juan District Hospital ang pulis ngunit hindi na umabot pa nang buhay.

Pinaniniwalaang may kinalaman sa trabaho ni Cartaciano ang motibo sa likod ng krimen.

Bumuo na naman si Batangas police director Senior Superintendent Alden Delvo ng grupo na mag iimbestiga sa pagpatay sa kanilang kasamahan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with