^

Probinsiya

Misis utas sa 14-anyos akyat-bahay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Kamatayan ang sinapit ng misis matapos itong pagsasaksakin ng 14-anyos na akyat-bahay sa loob ng kanyang bahay sa Purok 3, Barangay Bagumbayan sa bayan ng Malinao, Albay kamakalawa ng madaling araw. Sinubukan pang isugod ng mga kaanak sa Ziga Memorial District Hospital subalit dineklarang patay ang biktimang si Rachelle Ann Cansilao. Itinago sa pangalang Popoy ang suspek na isinuko ito sa pulisya ng kanyang tatay na si Ariesthutel Penalosa Sze ng nasabing barangay. Sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, nagising si Cansilao dahil sa ingay na nilikha ng suspek habang papaakyat sa bintana ng kanyang silid para tumakas makaraang makapagnakaw. Gayunman, dahil sa kasisigaw ng biktima binalikan siya at pinagsasaksak ng suspek. Itinuro pa ng suspek ang patalim na ginamit sa pananaksak na itinapon sa bakanteng lote malapit sa bahay ng biktima.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with